Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan. |
| 2 |
| Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan. |
| 3 |
| Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa. |
| 4 |
| Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw: purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta. |
| 5 |
| Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo. |
| 6 |
| Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/150.mp3
150
150