Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ingatan mo sana ako, O Diyos, sa iyo ako nanganganlong at nagtitiwalang lubos. |
| 2 |
| Ang sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang Panginoon ko, kabutihang tinatamasa ko, lahat ay mula sa iyo.” |
| 3 |
| Mga lingkod ng Panginoon ay dakila't mararangal! Sila'y nagmumula sa iba't ibang bayan; ligaya ng sarili ang sila'y aking makapisan. |
| 4 |
| Ang mga bumabaling sa ibang diyos, sulirani'y sunud-sunod, sa mga paghahandog nila'y hindi ako sasama; at sa kanilang mga diyos, ako'y hindi sasamba, hindi rin maglilingkod, ni pupuri sa kanila. |
| 5 |
| Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay, lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay, kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay. |
| 6 |
| Mga kaloob mo sa akin ay kahanga-hanga, napakaganda ng iyong pamana! |
| 7 |
| Pinupuri ko si Yahweh na sa aki'y pumapatnubay, at sa gabi, sa budhi ko siya ang gumagabay. |
| 8 |
| Alam kong kasama ko siya sa tuwina; hindi ako matitinag pagkat kapiling siya. |
| 9 |
| Kaya't ako'y nagdiriwang, puso't diwa ko'y nagagalak, hindi ako matitinag sapagkat ako'y panatag. |
| 10 |
| Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak, sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas. |
| 11 |
| Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/016.mp3
150
16