Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| O Dios, ingatan nʼyo po ako, dahil sa inyo ako nanganganlong. |
| 2 |
| Kayo ang aking Panginoon. Lahat ng kabutihang nakamtan ko ay mula sa inyo. |
| 3 |
| Tungkol sa inyong mga taong banal na nasa lupain ng Israel, lubos ko silang kinalulugdan. |
| 4 |
| Ngunit ang mga sumusunod sa mga dios-diosan ay lalong mahihirapan. Hindi ako sasama sa paghahandog nila ng dugo sa kanilang mga dios-diosan, at ayaw kong banggitin man lang ang pangalan ng mga ito. |
| 5 |
| Panginoon, kayo ang lahat sa aking buhay. Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay. Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay. |
| 6 |
| Ang mga biyayang kaloob nʼyo sa akin ay parang malawak na taniman, kahanga-hangang tunay. Tunay na napakaganda ng kaloob na ibinigay nʼyo sa akin. |
| 7 |
| Pupurihin ko kayo, Panginoon, na sa akin ay nagpapayo. At kahit sa gabiʼy pinaaalalahanan ako ng aking budhi. |
| 8 |
| Panginoon palagi ko kayong iniisip, at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag. |
| 9 |
| Kayaʼt nagagalak ang puso ko, at akoʼy panatag, dahil alam kong ligtas ako. |
| 10 |
| Sapagkat hindi nʼyo pababayaan na ang aking kaluluwa ay mapunta sa lugar ng mga patay; hindi nʼyo hahayaang mabulok sa libingan ang matapat nʼyong lingkod. |
| 11 |
| Itinuro nʼyo sa akin ang landas patungo sa buhay na puno ng kasiyahan, at sa piling nʼyo, aking matatagpuan ang ligayang walang hanggan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/016.mp3
150
16