Pakinggan mo, Yahweh, ang sigaw ng katarungan, dinggin mo ako sa aking kahilingan; dalangin ko sana'y iyong pakinggan, sapagkat labi ko nama'y hindi nanlilinlang.
Kaibuturan ng puso ko ay iyong nababatid, kahit sa gabi'y ikaw sa aki'y nagmamasid. Siniyasat mo ako at napatunayang matuwid, walang kasamaan maging sa aking bibig.
Sa lakas ng iyong bisig ako'y iyong isanggalang, sa ganitong mga taong sagana ang pamumuhay. Ibagsak mo sa kanila ang parusang iyong laan, pati mga anak nila ay labis mong pahirapan at kanilang salinlahi sa galit mo ay idamay!