Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Bakit nagbabalak maghimagsik ang mga bansa? Sa sabwatan nilang ito'y anong kanilang mapapala? |
| 2 |
| Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban, hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang: |
| 3 |
| Sinasabi nila: “Ang paghahari nila sa atin ay dapat nang matapos; dapat na tayong lumaya at kumawala sa gapos.” |
| 4 |
| Si Yahweh na nakaupo sa langit ay natatawa lamang, lahat ng plano nila ay wala namang katuturan. |
| 5 |
| Sa tindi ng kanyang galit, sila'y kanyang binalaan; sa tindi ng poot, sila'y kanyang sinabihan, |
| 6 |
| “Doon sa Zion, sa bundok na banal, ang haring pinili ko'y aking itinalaga.” |
| 7 |
| “Ipahahayag ko ang sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Ikaw ang aking anak, mula ngayo'y ako na ang iyong ama. |
| 8 |
| Hingin mo ang mga bansa't ibibigay ko sa iyo, maging ang buong daigdig ay ipapamana ko. |
| 9 |
| Dudurugin mo sila ng tungkod na bakal; tulad ng palayok, sila'y magkakabasag-basag.’” |
| 10 |
| Kaya't magpakatalino kayo, mga hari ng mundo, ang babalang ito'y unawain ninyo: |
| 11 |
| Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang, sa paanan ng kanyang anak |
| 12 |
| yumukod kayo't magparangal, baka magalit siya't bigla kayong parusahan. Mapalad ang taong ang Diyos ang kanlungan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/002.mp3
150
2