Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Bakit nagsipagtipon ang mga bansa sa pagpaplano ng masama? Bakit sila nagpaplano ng wala namang patutunguhan? |
| 2 |
| Ang mga hari at mga pinuno sa mundo ay nagsama-sama, at nagsipaghanda sa pakikipaglaban sa Panginoon, at sa hari na kanyang hinirang. |
| 3 |
| Sinabi nila, “Huwag tayong pasakop o sumunod man sa kanilang pamamahala!” |
| 4 |
| Ngunit siyang nakaupo sa kanyang trono sa langit ay natatawa lang, at kumukutya sa kanila. |
| 5 |
| Sa galit ng Dios, silaʼy binigyang babala, at sa tindi ng kanyang poot silaʼy natatakot. |
| 6 |
| Sinabi niya, “Iniluklok ko na ang hinirang kong hari sa kanyang trono sa Zion, sa banal kong bundok.” |
| 7 |
| Sinabi ng hari na hinirang ng Dios, “Sasabihin ko ang sinabi sa akin ng Panginoon: ‘Ikaw ang Anak ko, at ngayon, ipapahayag ko na ako ang iyong Ama. |
| 8 |
| Hilingin mo sa akin ang mga bansa sa buong mundo, at ibibigay ko ito sa iyo bilang mana mo. |
| 9 |
| Pamumunuan mo sila, at walang sasalungat sa iyong pamamahala. Silaʼy magiging parang palayok na iyong dudurugin.’ ” |
| 10 |
| Kaya kayong mga hari at pinuno sa buong mundo, unawain ninyo ang mga salitang ito at pakinggan ang mga babala laban sa inyo. |
| 11 |
| Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot, at magalak kayo sa kanya. |
| 12 |
| Magpasakop kayo sa hari na kanyang hinirang, kung hindi ay baka magalit siya at kayoʼy ipahamak niya. Mapalad ang mga nanganganlong sa Panginoon. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/002.mp3
150
2