Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan; itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob; |
| 2 |
| Saklolohan ka mula sa santuario, at palakasin ka mula sa Sion; |
| 3 |
| Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog, at tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah) |
| 4 |
| Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso, at tuparin ang lahat ng iyong payo. |
| 5 |
| Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas, at sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat: ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi. |
| 6 |
| Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay. |
| 7 |
| Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo: ngunit babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios. |
| 8 |
| Silay nangakasubsob at buwal: ngunit kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid. |
| 9 |
| Magligtas ka, Panginoon: sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/020.mp3
150
20