Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Natutuwa ang hari, Yahweh, dahil sa bigay mong lakas, dahil sa iyong tulong siya ay nagagalak. |
| 2 |
| Iyong ibinigay ang kanyang inaasam, ipinagkaloob mo ang kanyang kahilingan. (Selah) |
| 3 |
| Nilapitan mo siya't lubos na binasbasan, dalisay na gintong korona, sa ulo niya'y inilagay. |
| 4 |
| Humiling siya ng buhay at iyong ibinigay, ng mahabang buhay, na magpakailanman. |
| 5 |
| Dahil sa tulong mo, dakila ang kanyang karangalan, dangal at kadakilaan sa kanya'y iyong ibinigay. |
| 6 |
| Pagpapala mo'y nasa kanya magpakailanman, ang iyong patnubay, dulot sa kanya'y kagalakan. |
| 7 |
| Sa Kataas-taasang Diyos ang hari ay nagtitiwala, dahil sa tapat na pag-ibig ni Yahweh, di siya nababahala. |
| 8 |
| Dadakpin ng hari ang lahat niyang mga kaaway, bibihagin niya ang bawat isa na sa kanya'y nasusuklam. |
| 9 |
| Sa kanyang pagdating, sa apoy sila'y susunugin, sa galit ni Yahweh, sa apoy sila'y tutupukin. |
| 10 |
| Walang matitira sa kanilang lahi, sapagkat sila'y lilipulin ng hari. |
| 11 |
| Sa masasamang balak nilang gawin laban sa kanya, walang anumang magtatagumpay sa mga plano nila. |
| 12 |
| Sila'y kanyang papanain, sila'y uurong at patatakbuhin. |
| 13 |
| Pinupuri ka namin, Yahweh, sa taglay mong kalakasan! Aawit kami at magpupuri dahil sa iyong kapangyarihan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/021.mp3
150
21