Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Panginoon, sobrang galak ng hari dahil binigyan nʼyo siya ng kalakasan. Siyaʼy tuwang-tuwa dahil binigyan nʼyo siya ng tagumpay. |
| 2 |
| Ibinigay nʼyo sa kanya ang kanyang hinahangad; hindi nʼyo ipinagkait ang kanyang kahilingan. |
| 3 |
| Tinanggap nʼyo siya, at pinagkalooban ng masaganang pagpapala. Pinutungan nʼyo ang ulo niya ng koronang yari sa purong ginto. |
| 4 |
| Hiniling niya sa inyo na dagdagan ang buhay niya, at binigyan nʼyo siya ng mahabang buhay. |
| 5 |
| Dahil sa pagbibigay nʼyo ng tagumpay sa kanya, naging tanyag siya at makapangyarihan. |
| 6 |
| Dahil nagtitiwala siya sa inyo, Panginoon, pinagpala nʼyo siya ng mga pagpapalang walang katapusan, at pinasaya nʼyo siya sa inyong piling. At dahil minamahal nʼyo siya nang tapat, Kataas-taasang Dios, hindi siya mabubuwal. |
| 7 |
| 8 |
| Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, matatalo nʼyo ang lahat nʼyong mga kaaway. |
| 9 |
| At kapag kayo ay dumating Panginoon, lilipulin nʼyo sila. Dahil sa galit nʼyo, tutupukin sila na parang dayami sa naglalagablab na apoy. |
| 10 |
| Uubusin nʼyo ang lahat ng mga anak nila sa buong kalupaan, upang wala nang magpatuloy ng kanilang lahing masama. |
| 11 |
| Nagbabalak sila ng masama laban sa inyo, ngunit hindi sila magtatagumpay. |
| 12 |
| Tatakas sila kapag nakita nilang nakatutok na sa kanila ang inyong pana. |
| 13 |
| Panginoon, pinupuri namin kayo dahil sa inyong kalakasan. Aawit kami ng mga papuri dahil sa inyong kapangyarihan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/021.mp3
150
21