Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon. |
| 2 |
| Itinayo niya ang pundasyon ng mundo sa kailaliman ng dagat. |
| 3 |
| Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng Panginoon? At sino ang maaaring tumungtong sa kanyang banal na templo? |
| 4 |
| Makatutungtong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi sumasamba sa mga dios-diosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan. |
| 5 |
| Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon, ang Dios na kanyang Tagapagligtas. |
| 6 |
| Iyan ang mga taong makakalapit at sasamba sa Dios ni Jacob. |
| 7 |
| Buksan ninyo nang maluwang ang mga lumang pintuan ng templo upang makapasok ang Haring makapangyarihan! |
| 8 |
| Sino ang Haring makapangyarihan? Siya ang Panginoong malakas at matatag sa pakikipaglaban. |
| 9 |
| Buksan ninyo nang maluwang ang mga lumang pintuan ng templo upang makapasok ang Haring makapangyarihan! |
| 10 |
| Sino ang Haring makapangyarihan? Siya ang Panginoon na pinuno ng hukbo ng kalangitan. Tunay nga siyang Haring makapangyarihan! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/024.mp3
150
24