Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ipahayag mo ako, Yahweh, na walang sala, pagkat ako'y matuwid at sa iyo'y lubos na umaasa. |
| 2 |
| Yahweh, ako'y siyasatin mo at subukin, hatulan mo ang iniisip at ang aking hangarin. |
| 3 |
| Pag-ibig mong wagas ang aking patnubay, ang iyong katapatan ang lagi kong kaagapay. |
| 4 |
| Di ako nakikisama sa walang kuwentang tao, hindi ako nakikiisa sa mga hipokrito. |
| 5 |
| Ang nakikisama sa kanila ay aking kinamumuhian, at ang makihalo sa kanila'y aking iniiwasan. |
| 6 |
| Kamay ko'y malinis pagkat ako'y walang kasalanan, ako'y lumalakad, Yahweh, sa paligid ng iyong altar. |
| 7 |
| Awit ng pasasalamat ay aking inaawit, gawa mong kahanga-hanga, ay aking sinasambit. |
| 8 |
| Mahal ko, Yahweh, ang Templo mong tahanan, sapagkat naroroon ang iyong kaluwalhatian. |
| 9 |
| Sa parusa ng masasama, huwag mo akong idamay, ilayo rin sa parusa ng mahihilig sa pagpatay— |
| 10 |
| mga taong walang magawâ kundi kasamaan, at palaging naghihintay na sila ay suhulan. |
| 11 |
| Ngunit para sa akin, gagawin ko ang tama, kaya iligtas mo ako at sa akin ay maawa. |
| 12 |
| Ako ay ligtas sa lahat ng kapahamakan; pupurihin ko si Yahweh sa gitna ng kapulungan! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/026.mp3
150
26