Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, silay nangatisod at nangarapa.
Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, hindi matatakot ang aking puso: bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin, gayon may titiwala rin ako.
Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin; na akoy makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, upang malasin ang kagandahan ng Panginoon, at magusisa sa kaniyang templo.
Sapagkat sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong: sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
At ngayoy matataas ang aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko; at akoy maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan; akoy aawit, oo, akoy aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit: ikaw ay naging aking saklolo; huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, Oh Dios ng aking kaligtasan.
Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway: sapagkat mga sinungaling na saksi ay nagsibangon laban sa akin, at ang nagsisihinga ng kabagsikan.