Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Tumatawag ako sa inyo, Panginoon, ang aking Bato na kanlungan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin! Dahil kung hindi, matutulad ako sa mga patay na nasa libingan. |
| 2 |
| Pakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo! Humingi ako sa inyo ng tulong, habang itinataas ang aking mga kamay sa harap ng inyong banal na templo. |
| 3 |
| Huwag nʼyo akong parusahan kasama ng masasama. Nagkukunwari silang mga kaibigan, pero ang plano palaʼy pawang kasamaan. |
| 4 |
| Gantihan nʼyo sila ayon sa kanilang mga gawa. Parusahan nʼyo sila ayon sa masama nilang gawa. |
| 5 |
| Binalewala nila ang inyong mga gawa. Gaya ng lumang gusali, gibain nʼyo sila at huwag nang itayong muli. |
| 6 |
| Purihin kayo, Panginoon, dahil pinakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo. |
| 7 |
| Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat. |
| 8 |
| Kayo, Panginoon, ang kalakasan ng inyong mga mamamayan. Iniingatan nʼyo ang inyong haring hinirang. |
| 9 |
| Iligtas nʼyo po at pagpalain ang mga mamamayang pag-aari ninyo. Katulad ng isang pastol, bantayan nʼyo sila, at kalungin magpakailanman. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/028.mp3
150
28