Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Purihin ninyo si Yahweh, mga nilikha sa kalangitan, kilalanin ang kanyang lakas at kanyang kaluwalhatian. |
| 2 |
| Purihin ang kanyang maluwalhating pangalan, sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan. |
| 3 |
| Tinig ni Yahweh'y naririnig sa ibabaw ng dagat, ang dakilang Diyos ay nagpapakidlat, umaalingawngaw at naririnig ng lahat. |
| 4 |
| Tinig ni Yahweh'y makapangyarihan, at punung-puno ng kadakilaan. |
| 5 |
| Maging mga punong sedar ng Lebanon, sa tinig ni Yahweh, mawawasak ang mga iyon. |
| 6 |
| Parang guyang pinalulundag niya ang mga bundok ng Lebanon, parang torong pinalulukso niya ang Bundok Hermon. |
| 7 |
| Dahil sa tinig ni Yahweh, kidlat ay gumuguhit. |
| 8 |
| Kapag siya'y nagsalita, disyerto'y nayayanig; inuuga niya pati ang ilang ng Kades. |
| 9 |
| Sa tinig ni Yahweh, mga usa'y napapaanak, at nakakalbo pati ang mga gubat, lahat ng nasa Templo'y sumisigaw, “Ang Diyos ay papurihan!” |
| 10 |
| Si Yahweh'y naghahari sa mga kalaliman, nakaupo sa trono, bilang hari kailanman. |
| 11 |
| Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan, at pinagpapala sila ng mapayapang buhay. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/029.mp3
150
29