Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Purihin ang Panginoon, kayong mga anak ng makapangyarihang Dios. Purihin siya sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan. |
| 2 |
| Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan. Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya. |
| 3 |
| Ang tinig ng Panginoong Dios na makapangyarihan ay dumadagundong na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan. |
| 4 |
| Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan at kagalang-galang. |
| 5 |
| Ang tinig ng Panginoon ay makakabali at makakapagpira-piraso ng pinakamatibay na mga puno ng sedro sa Lebanon. |
| 6 |
| Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang mga bundok sa Lebanon at ang bundok ng Hermon, na parang bisirong baka na tumatalon-talon. |
| 7 |
| Ang tinig ng Panginoon ang nagpapakidlat. |
| 8 |
| Ang tinig din ng Panginoon ang nagpapayanig sa Disyerto ng Kadesh. |
| 9 |
| Sa tinig ng Panginoon, napapagalaw ang mga puno ng ensina, at nalalagas ang mga dahon sa kagubatan. At ang lahat ng nasa templo ay sumisigaw, “ Ang Dios ay makapangyarihan!” |
| 10 |
| Ang Panginoon ang may kapangyarihan sa mga baha. Maghahari siya magpakailanman. |
| 11 |
| Ang Panginoon ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan, at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/029.mp3
150
29