×

Ang Biblia 1905 TLAB

Awit 3

1
Panginoon, anot ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
2
Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)
3
Ngunit ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4
Akoy dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah)
5
Akoy nahiga, at natulog; akoy nagising; sapagkat inaalalayan ako ng Panginoon.
6
Akoy hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
7
Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios: sapagkat iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway; iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.
8
Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982
:
I-save ang Mga Tala