Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin. |
| 2 |
| Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah) |
| 3 |
| Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. |
| 4 |
| Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) |
| 5 |
| Ako'y nahiga, at natulog; ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon. |
| 6 |
| Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot. |
| 7 |
| Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios: sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway; iyong binungal ang mga ngipin ng masasama. |
| 8 |
| Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah) |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/003.mp3
150
3