Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Pinupuri kita, Yahweh, pagkat ako'y iyong iniligtas, mga kaaway ko'y di mo hinayaang magmataas. |
| 2 |
| Sa iyo, Yahweh, aking Diyos, ako'y dumaing, at ako nama'y iyong pinagaling. |
| 3 |
| Hinango mo ako mula sa libingan, at mula sa hukay, ako'y muli mong binuhay. |
| 4 |
| Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan! |
| 5 |
| Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak. |
| 6 |
| Sinabi ko sa sarili pagkat ako'y panatag, “Kailanma'y hindi ako matitinag.” |
| 7 |
| Kay buti mo, Yahweh, ako'y iyong iningatan, tulad sa isang muog sa kabundukan. Ngunit natakot ako, nang ako'y iyong iwan. |
| 8 |
| Sa iyo, Yahweh, ako'y nanawagan, nagsumamo na ako ay tulungan: |
| 9 |
| “Anong halaga pa kung ako'y mamamatay? Anong pakinabang kung malibing sa hukay? Makakapagpuri ba ang mga walang buhay? Maipapahayag ba nila ang iyong katapatan? |
| 10 |
| Pakinggan mo ako, Yahweh, at kahabagan, O Yahweh, ako po sana'y tulungan!” |
| 11 |
| Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Pagluluksa ko ay iyong inalis, kaligayahan ang iyong ipinalit. |
| 12 |
| Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/030.mp3
150
30