Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Panginoon, pupurihin ko kayo, dahil iniligtas nʼyo ako. Hindi nʼyo pinayagang insultuhin ako ng aking mga kaaway. |
| 2 |
| Panginoon kong Dios, humingi ako ng tulong sa inyo, at pinagaling nʼyo ako. |
| 3 |
| Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan. Hindi nʼyo niloob na akoʼy mamatay. |
| 4 |
| Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan. |
| 5 |
| Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya. |
| 6 |
| Sa panahon ng aking kaginhawahan ay sinabi ko, “Wala akong pangangambahan.” |
| 7 |
| Itoʼy dahil sa kabutihan nʼyo, Panginoon. Pinatatag nʼyo ako tulad ng isang bundok. Ngunit nang lumayo kayo sa akin, ako ay nanlumo. |
| 8 |
| Tumawag ako sa inyo, Panginoon, at nanalangin ng ganito: |
| 9 |
| “Ano ang mapapala mo kung akoʼy mamatay? Makakapagpuri pa ba ang mga patay? Maipapahayag pa ba nila ang inyong katapatan? |
| 10 |
| Panginoon, pakinggan nʼyo ako at kahabagan. Tulungan nʼyo ako, Panginoon!” |
| 11 |
| Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo ng sayaw ng kagalakan. Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa, at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan, |
| 12 |
| para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/030.mp3
150
30