Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Mapalad ang taong pinatawad na ang kasalanan, at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang. |
| 2 |
| Mapalad ang taong hindi pinaparatangan, sa harap ni Yahweh'y hindi siya nanlinlang. |
| 3 |
| Nang hindi ko pa naihahayag ang aking mga sala, ako'y nanghina sa maghapong pagluha. |
| 4 |
| Sa araw at gabi, ako'y iyong pinarusahan, wala nang natirang lakas sa katawan, parang hamog na natuyo sa init ng tag-araw. (Selah) |
| 5 |
| Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin; mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim. Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat, at mga sala ko'y pinatawad mong lahat. (Selah) |
| 6 |
| Kaya ang tapat sa iyo ay dapat manalangin, sa oras ng kagipitan, ikaw ang tawagin, at sa bugso ng baha'y di sila aabutin. |
| 7 |
| Ikaw ang aking lugar na kublihan; inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah) |
| 8 |
| Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan. |
| 9 |
| Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa, na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda.” |
| 10 |
| Labis na magdurusa ang taong masama, ngunit ang tapat na pag-ibig ni Yahweh ang mag-iingat sa sinumang nagtitiwala sa kanya. |
| 11 |
| Lahat ng tapat kay Yahweh, magalak na lubos, dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos; sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya'y sumusunod! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/032.mp3
150
32