|
| 1 |
|
| Mangagalak kayo sa Panginoon, Oh kayong mga matuwid: pagpuri ay maganda sa ganang matuwid. |
|
| 2 |
|
| Kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon na may alpa: magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas. |
|
| 3 |
|
| Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit; magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay. |
|
| 4 |
|
| Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid; at lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat. |
|
| 5 |
|
| Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan: ang lupa ay puno ng kagandahang-loob ng Panginoon. |
|
| 6 |
|
| Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig. |
|
| 7 |
|
| Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton: inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan. |
|
| 8 |
|
| Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon: magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya. |
|
| 9 |
|
| Sapagka't siya'y nagsalita, at nangyari; siya'y nagutos, at tumayong matatag. |
|
| 10 |
|
| Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa: kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan. |
|
| 11 |
|
| Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man, ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi. |
|
| 12 |
|
| Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon; ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana. |
|
| 13 |
|
| Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit; kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao; |
|
| 14 |
|
| Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya sa lahat na nangananahan sa lupa; |
|
| 15 |
|
| Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat, na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa. |
|
| 16 |
|
| Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo: ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan. |
|
| 17 |
|
| Ang kabayo ay walang kabuluhang bagay sa pagliligtas: ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan; |
|
| 18 |
|
| Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob; |
|
| 19 |
|
| Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at upang ingatan silang buhay sa kagutom. |
|
| 20 |
|
| Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon: siya'y aming saklolo at aming kalasag. |
|
| 21 |
|
| Sapagka't ang aming puso ay magagalak sa kaniya, sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan. |
|
| 22 |
|
| Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ayon sa aming pagasa sa iyo. |
|
|
|
|