Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso: walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata. |
| 2 |
| Sapagkat siyay nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata, na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman. |
| 3 |
| Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti. |
| 4 |
| Siyay kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan; siyay lumagay sa isang daan na hindi mabuti; hindi niya kinayayamutan ang kasamaan. |
| 5 |
| Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga langit: ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit. |
| 6 |
| Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios: ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman: Oh Panginoon, iyong iniingatan ang tao at hayop. |
| 7 |
| Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak. |
| 8 |
| Silay nangabubusog ng sagana ng katabaan ng iyong bahay; at iyong paiinumin sila sa ilog ng iyong kaluguran. |
| 9 |
| Sapagkat nasa iyo ang bukal ng buhay: sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag. |
| 10 |
| Oh, ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa kanila na nangakakakilala sa iyo: at ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso. |
| 11 |
| Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan, at huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama. |
| 12 |
| Dooy nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan: silay nangalugmok at hindi makakatindig. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/036.mp3
150
36