Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Kasalana'y nangungusap sa puso ng masasama, sa kaibuturan ng puso doon ito nagwiwika; tumatanggi sa Diyos at ni takot ito'y wala. |
| 2 |
| Ang palagay sa sarili, siya'y isang dakila na; ang akala'y hindi batid ni Yahweh ang kanyang sala, kaya't kanyang iniisip, hindi siya magdurusa. |
| 3 |
| Kung mangusap ay masama at ubod nang sinungaling; dahop na ang karunungan sa paggawa ng magaling. |
| 4 |
| Masama ang binabalak samantalang nahihimlay, masama rin ang ugali, at isa pang kasamaa'y ang laging inaakap ay gawaing mahahalay. |
| 5 |
| Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh, ay walang hanggan, at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan. |
| 6 |
| Matuwid at matatag ka na tulad ng kabundukan; ang matuwid na hatol mo'y sinlalim ng karagatan; ang lahat ng mga tao't mga hayop na nilalang, sa tuwina'y kinukupkop ng mapagpala mong kamay. |
| 7 |
| O Diyos, ang iyong pag-ibig mahalaga at matatag, ang kalinga'y nadarama sa lilim ng iyong pakpak. |
| 8 |
| Sa pagkain ay sagana sa sarili mong tahanan; doon sila umiinom sa batis ng kabutihan. |
| 9 |
| Sa iyo rin nagmumula silang lahat na may buhay, ang liwanag na taglay mo ang sa amin ay umaakay. |
| 10 |
| Patuloy mong kalingain ang sa iyo'y umiibig, patuloy mong pagpalain ang may buhay na matuwid. |
| 11 |
| Ang palalo'y huwag tulutan na ako ay salakayin, o ang mga masasamang gusto akong palayasin. |
| 12 |
| Lahat silang masasama'y masdan ninyo at nagupo! Sa kanilang binagsakan, hindi sila makatayo. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/036.mp3
150
36