Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Pumapasok sa puso ng masamang tao ang tukso ng pagsuway, kaya wala man lang siyang takot sa Dios. |
| 2 |
| Dahil mataas ang tingin niya sa kanyang sarili, hindi niya nakikita ang kanyang kasalanan para kamuhian ito. |
| 3 |
| Ang kanyang mga sinasabi ay puro kasamaan at kasinungalingan. Hindi na niya iniisip ang paggawa ng ayon sa karunungan at kabutihan. |
| 4 |
| Kahit siyaʼy nakahiga, nagpaplano siya ng masama. Napagpasyahan niyang gumawa ng hindi mabuti, at hindi niya tinatanggihan ang kasamaan. |
| 5 |
| Panginoon, ang inyong pag-ibig at katapatan ay umaabot hanggang sa kalangitan. |
| 6 |
| Ang inyong katuwiran ay kasintatag ng kabundukan. Ang inyong paraan ng paghatol ay sinlalim ng karagatan. Ang mga tao o hayop man ay inyong iniingatan, O Panginoon. |
| 7 |
| Napakahalaga ng pag-ibig nʼyong walang hanggan, O Dios! Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo, tulad ng pagkalinga ng inahing manok sa kanyang mga inakay sa ilalim ng kanyang pakpak. |
| 8 |
| Sa inyong tahanan ay pinakakain nʼyo sila ng masaganang handa, at pinaiinom nʼyo sila sa inyong ilog ng kaligayahan. |
| 9 |
| Dahil kayo ang nagbibigay ng buhay. Pinapaliwanagan nʼyo kami, at naliliwanagan ang aming isipan. |
| 10 |
| Patuloy nʼyong ibigin ang mga kumikilala sa inyo, at bigyan nʼyo ng katarungan ang mga namumuhay nang matuwid. |
| 11 |
| Huwag nʼyong payagang akoʼy tapakan ng mga mapagmataas o itaboy ng mga masasama. |
| 12 |
| Ang masasamang tao ay mapapahamak nga. Silaʼy babagsak at hindi na muling makakabangon. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/036.mp3
150
36