Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran; inilagay mo ako sa kaluwagan, nang akoy nasa kagipitan: maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin. |
| 2 |
| Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian? Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah) |
| 3 |
| Ngunit talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal: didinggin ng Panginoon pagka akoy tumawag sa kaniya. |
| 4 |
| Kayoy magsipanginig, at huwag mangagkasala: mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayoy magsitahimik. |
| 5 |
| Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran, at ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon. |
| 6 |
| Marami ang mangagsasabi, sinong magpapakita sa amin ng mabuti? Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin. |
| 7 |
| Ikaw ay naglagay ng kasayahan sa aking puso, ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami. |
| 8 |
| Payapa akong hihiga at gayon din matutulog: sapagkat ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/004.mp3
150
4