Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Mapalad ang taong nagmamalasakit sa mga mahihirap. Tutulungan siya ng Panginoon sa panahon ng kaguluhan. |
| 2 |
| Ipagtatanggol siya ng Panginoon, at iingatan ang kanyang buhay. Pagpapalain din siya sa lupain natin. At hindi siya isusuko sa kanyang mga kaaway. |
| 3 |
| Tutulungan siya ng Panginoon kung siya ay may sakit, at pagagalingin siya sa kanyang karamdaman. |
| 4 |
| Sinabi ko, “O Panginoon, nagkasala ako sa inyo. Maawa kayo sa akin, at pagalingin ako.” |
| 5 |
| Ang aking mga kaaway ay nagsasalita laban sa akin. Sinasabi nila, “Kailan pa ba siya mamamatay upang makalimutan na siya?” |
| 6 |
| Kapag dumadalaw sila sa akin, nagkukunwari silang nangungumusta, pero nag-iipon lang pala sila ng masasabi laban sa akin. Kapag silaʼy lumabas na, ikinakalat nila ito. |
| 7 |
| Ang lahat ng galit sa akin ay masama ang iniisip tungkol sa akin, at pinagbubulung-bulungan nila ito. |
| 8 |
| Sinasabi nila, “Malala na ang karamdaman niyan, kaya hindi na iyan makakatayo!” |
| 9 |
| Kahit ang pinakamatalik kong kaibigan na kasalo ko lagi sa pagkain at pinagkakatiwalaan – nagawa akong pagtaksilan! |
| 10 |
| Ngunit kayo Panginoon, akoʼy inyong kahabagan. Pagalingin nʼyo ako upang makaganti na ako sa aking mga kaaway. |
| 11 |
| Alam ko na kayoʼy nalulugod sa akin, dahil hindi ako natatalo ng aking mga kaaway. |
| 12 |
| Dahil akoʼy taong matuwid, tinutulungan nʼyo ako at pinapanatili sa inyong presensya magpakailanman. |
| 13 |
| Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, magpakailanman. Amen! Amen! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/041.mp3
150
41