Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Patunayan nʼyo, O Dios, na akoʼy walang kasalanan, at akoʼy inyong ipagtanggol sa mga hindi matuwid. Iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya at sa masasama. |
| 2 |
| Kayo ang Dios na nag-iingat sa akin, bakit nʼyo ako itinakwil? Bakit kailangan pang magdusa ako sa pang-aapi ng aking mga kaaway? |
| 3 |
| Paliwanagan nʼyo ako at turuan ng inyong katotohanan, upang akoʼy magabayan pabalik sa inyong templo sa banal na bundok. |
| 4 |
| Nang sa gayon, makalapit ako sa inyong altar, O Dios, na nagpapagalak sa akin. At sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa ay pupurihin ko kayo, O aking Dios. |
| 5 |
| Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/043.mp3
150
43