Ang aking puso ay nag-uumapaw sa mabuting paksa, ipinatutungkol ko ang aking mga salita sa hari; ang aking dila ay gaya ng panulat ng bihasang manunulat.
At sa iyong kamahalan ay sumakay kang nananagumpay para sa mga bagay ng katotohanan, at kaamuan at katuwiran; ang iyong kanang kamay nawa ay magturo sa iyong kakilakilabot na mga gawa!
iyong iniibig ang katuwiran at kinasusuklaman ang kasamaan. Kaya't ang Diyos, ang iyong Diyos, ay pinahiran ka ng langis, ng langis ng kagalakan na higit kaysa iyong mga kasamahan.
At ang anak na babae ng Tiro ay magsisikap na kunin ang iyong pagtatangi na may kaloob; at ang pinakamayaman sa mga bayan ay hahanap ng iyong kagandahang-loob.