Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan. |
| 2 |
| Kayat hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago, at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat; |
| 3 |
| Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag. Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah) |
| 4 |
| May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya sa bayan ng Dios. Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan. |
| 5 |
| Ang Dios ay nasa gitna niya; siyay hindi makikilos: tutulungan siya ng Dios na maaga. |
| 6 |
| Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos: inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw. |
| 7 |
| Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah) |
| 8 |
| Kayoy parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon, kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa. |
| 9 |
| Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa; kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat; kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy. |
| 10 |
| Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios: akoy mabubunyi sa gitna ng mga bansa, akoy mabubunyi sa lupa. |
| 11 |
| Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/046.mp3
150
46