Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. |
| 2 |
| Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay; |
| 3 |
| kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah) |
| 4 |
| May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo'y ligaya ang dulot. |
| 5 |
| Ang tahanang-lunsod ay di masisira; ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga. |
| 6 |
| Nangingilabot din bansa't kaharian, sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam. |
| 7 |
| Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah) |
| 8 |
| Anuman ang kanyang ginawa sa lupa, sapat nang pagmasdan at ika'y hahanga! |
| 9 |
| Maging pagbabaka ay napatitigil, sibat at palaso'y madaling sirain; baluting sanggalang ay kayang tupukin! |
| 10 |
| Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.” |
| 11 |
| Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan; ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah) |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/046.mp3
150
46