Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan. |
| 2 |
| Kaya huwag tayong matatakot kahit lumindol man, at gumuho ang mga bundok at bumagsak sa karagatan. |
| 3 |
| Humampas man at umugong ang mga alon na naglalakihan, at mayanig ang kabundukan. |
| 4 |
| May ilog na nagbibigay ng kagalakan sa bayan ng Dios, sa banal na tahanan ng Kataas-taasang Dios. |
| 5 |
| Ang Dios ay nakatira sa lungsod na ito kaya hindi ito magigiba. Itoʼy kanyang ipagtatanggol sa kinaumagahan. |
| 6 |
| Nagkakagulo ang mga bansa; bumabagsak ang mga kaharian. Sa sigaw ng Dios, ang mga tao sa mundo ay parang matutunaw sa takot. |
| 7 |
| Kasama natin ang Panginoon ng hukbo ng kalangitan. Ang Dios ni Jacob ang ating kanlungan. |
| 8 |
| Halika, tingnan mo ang mga kahanga-hangang bagay na ginagawa ng Panginoon sa mundo. |
| 9 |
| Kanyang pinatitigil ang mga digmaan sa lahat ng sulok ng mundo. Binabali niya ang mga sibat, pinuputol ang mga pana, at sinusunog ang mga kalasag. |
| 10 |
| Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.” |
| 11 |
| Kasama natin ang Panginoong Makapangyarihan. Ang Dios ni Jacob ang ating kanlungan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/046.mp3
150
46