×

Ang Biblia 1905 TLAB

Awit 47

1
Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.
2
Sapagkat ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot; siyay dakilang Hari sa buong lupa.
3
Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin, at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
4
Kaniyang ipipili tayo ng ating mana, ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)
5
Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan, ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
6
Kayoy magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayoy magsiawit ng mga pagpuri: kayoy magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayoy magsiawit ng mga pagpuri.
7
Sapagkat ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
8
Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
9
Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan upang maging bayan ng Dios ni Abraham; sapagkat ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios; siyay totoong bunyi.
Tagalog Bible 1905 TLAB
Ang Biblia Philippine Bible Society, 1982
:
I-save ang Mga Tala