Ang Biblia 2001
|
| 1 |
| Ipalakpak ang inyong mga kamay, kayong lahat na mga bayan! Sumigaw kayo sa Diyos nang malakas na tinig ng kagalakan! |
| 2 |
| Sapagkat ang PANGINOON, ang Kataas-taasan, ay kakilakilabot; isang dakilang hari sa buong lupa. |
| 3 |
| Ang mga bayan sa ilalim natin ay pinasusuko niya, at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa. |
| 4 |
| Kanyang pinili ang pamanang para sa atin, ang kaluwalhatian ni Jacob na kanyang minamahal. (Selah) |
| 5 |
| Ang Diyos ay pumailanglang na may sigaw, ang PANGINOON na may tunog ng trumpeta. |
| 6 |
| Kayo"y magsiawit ng mga papuri sa Diyos, kayo'y magsiawit ng mga papuri! Kayo'y magsiawit ng mga papuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga papuri! |
| 7 |
| Sapagkat ang Diyos ang hari ng buong lupa; magsiawit kayo ng mga papuri na may awit! |
| 8 |
| Ang Diyos ay naghahari sa mga bansa; ang Diyos ay nakaupo sa kanyang banal na trono. |
| 9 |
| Ang mga pinuno ng mga bayan ay nagtipun-tipon bilang bayan ng Diyos ni Abraham; sapagkat ang mga kalasag ng lupa ay sa Diyos; siya'y napakadakila. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2001/psalms/047.mp3
150
47