Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Magdiwang ang lahat ng mga nilikha! Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila! |
| 2 |
| Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang; siya'y naghahari sa sangkatauhan. |
| 3 |
| Tayo'y pinagwagi sa lahat ng tao, sa lahat ng bansa'y namahala tayo. |
| 4 |
| Siya ang pumili ng ating tahanan, ang lupang minana ng mga hinirang. (Selah) |
| 5 |
| Lumuklok sa trono si Yahweh na ating Diyos, sigawan at trumpeta ang siyang tumutunog. |
| 6 |
| Purihin ang Diyos, siya ay awitan, awitan ang hari, siya'y papurihan! |
| 7 |
| Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa; awita't purihin ng mga nilikha! |
| 8 |
| Maghahari siya sa lahat ng bansa, magmula sa tronong banal at dakila. |
| 9 |
| Sa mga hinirang ng Diyos ni Abraham, sasama ang mga pamunuan ng lahat ng bansa sa sandaigdigan. Ang mga sandata ng lahat ng kawal, lahat ay sa Diyos na kataas-taasan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/047.mp3
150
47