Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Kayong mga tao sa bawat bansa, magpalakpakan kayo! Sumigaw sa Dios nang may kagalakan. |
| 2 |
| Ang Panginoon, ang Kataas-taasang Dios at kagalang-galang. Siya ang dakilang Hari sa buong sanlibutan. |
| 3 |
| Ipinasakop niya sa aming mga Israelita ang lahat ng bansa. |
| 4 |
| Pinili niya para sa amin ang lupang ipinangako bilang aming mana. Itoʼy ipinagmamalaki ni Jacob na kanyang minamahal. |
| 5 |
| Ang Dios ay umaakyat sa kanyang trono habang nagsisigawan ang mga tao at tumutunog ang mga trumpeta. |
| 6 |
| Umawit kayo ng mga papuri sa Dios. Umawit kayo ng mga papuri sa ating hari. |
| 7 |
| Dahil ang Dios ang siyang Hari sa buong mundo. Umawit kayo sa kanya ng mga awit ng pagpupuri. |
| 8 |
| Ang Dios ay nakaupo sa kanyang trono at naghahari sa mga bansa. |
| 9 |
| Nagtitipon ang mga hari ng mga bansa, kasama ang mga mamamayan ng Dios ni Abraham. Ang mga pinuno sa mundo ay sa Dios, at mataas ang paggalang nila sa kanya. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/047.mp3
150
47