Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal. |
| 2 |
| Ang Bundok ng Zion, tahanan ng Diyos ay dakong mataas na nakalulugod; bundok sa hilaga na galak ang dulot, sa lahat ng bansa nitong sansinukob. |
| 3 |
| Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman, sa loob ng muog ng banal na bayan. |
| 4 |
| Itong mga hari ay nagtipun-tipon, upang sumalakay sa Bundok ng Zion. |
| 5 |
| Sila ay nagulat nang ito'y mamasdan, pawang nagsitakas at nahintakutan. |
| 6 |
| Ang nakakatulad ng pangamba nila ay pagluluwal ng butihing ina. |
| 7 |
| Tulad ng malaking barkong naglalayag, sa hanging silangan dagling nawawasak. |
| 8 |
| Sa banal na lunsod ay aming namasid ang kanyang ginawa na aming narinig; ang Diyos na si Yahweh, Makapangyarihan, siyang mag-iingat sa lunsod na banal, iingatan niya magpakailanman. (Selah) |
| 9 |
| Sa loob ng iyong templo, aming Diyos, nagunita namin pag-ibig mong lubos. |
| 10 |
| Ika'y pinupuri ng lahat saanman, sa buong daigdig ang dakila'y ikaw, at kung mamahala ay makatarungan. |
| 11 |
| Kayong taga-Zion, dapat na magalak! At ang buong Juda'y magdiwang na lahat, dahilan kay Yahweh sa hatol niyang tumpak. |
| 12 |
| Ang buong palibot ng Zion, lakarin, ang lahat ng tore doon ay bilangin; |
| 13 |
| ang nakapaligid na pader pansinin, mga muog nito'y inyong siyasatin; upang sa susunod na lahi'y isaysay, |
| 14 |
| na ang Diyos, ay Diyos natin kailanman, sa buong panahon siya ang patnubay. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/048.mp3
150
48