Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok. |
| 2 |
| Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari. |
| 3 |
| Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan. |
| 4 |
| Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama. |
| 5 |
| Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas. |
| 6 |
| Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam. |
| 7 |
| Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis. |
| 8 |
| Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah) |
| 9 |
| Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo. |
| 10 |
| Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran. |
| 11 |
| Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan. |
| 12 |
| Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon. |
| 13 |
| Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi. |
| 14 |
| Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/psalms/048.mp3
150
48