Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Pakinggan mo, Yahweh, ang aking pagdaing, ang aking panaghoy, sana'y bigyang pansin. |
| 2 |
| Aking Diyos at hari, karaingan ko'y pakinggan, sapagkat sa iyo lang ako nananawagan. |
| 3 |
| Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin. |
| 4 |
| Ikaw ay Diyos na di nalulugod sa kasamaan, mga maling gawain, di mo pinapayagan. |
| 5 |
| Ang mga palalo'y di makakatagal sa iyong harapan, mga gumagawa ng kasamaa'y iyong kinasusuklaman. |
| 6 |
| Pinupuksa mo, Yahweh, ang mga sinungaling, galit ka sa mamamatay-tao, at mga mapanlamang. |
| 7 |
| Ngunit dahil sa iyong dakilang pagmamahal, makakapasok ako sa iyong tahanan; ika'y sambahin ko sa Templo mong banal, luluhod ako tanda ng aking paggalang. |
| 8 |
| Patnubayan mo ako, Yahweh, sa iyong katuwiran, dahil napakarami ng sa aki'y humahadlang, landas mong matuwid sa aki'y ipaalam, upang ito'y aking laging masundan. |
| 9 |
| Ang mga sinasabi ng mga kaaway ko'y kasinungalingan; saloobin nila'y pawang kabulukan; parang bukás na libingan ang kanilang lalamunan, pananalita nila'y pawang panlilinlang. |
| 10 |
| O Diyos, sila sana'y iyong panagutin, sa sariling pakana, sila'y iyong pabagsakin; sa dami ng pagkakasala nila, sila'y iyong itakwil, sapagkat mapaghimagsik sila at mga suwail. |
| 11 |
| Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan, at lagi silang aawit nang may kagalakan. Ingatan mo ang mga sa iyo'y nagmamahal, upang magpatuloy silang ika'y papurihan. |
| 12 |
| Pinagpapala mo, O Yahweh, ang mga taong matuwid, at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/005.mp3
150
5