Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos, sang-ayon sa iyong kagandahang-loob; mga kasalanan ko'y iyong pawiin, ayon din sa iyong pag-ibig sa akin! |
| 2 |
| Linisin mo sana ang aking karumhan, at patawarin mo'ng aking kasalanan! |
| 3 |
| Mga pagkakasala ko'y kinikilala, di ko malilimutan, laging alaala. |
| 4 |
| Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan; kaya may katuwiran ka na ako'y hatulan, marapat na ako'y iyong parusahan. |
| 5 |
| Ako'y masama na buhat nang isilang, makasalanan na nang ako'y iluwal. |
| 6 |
| Nais mo sa aki'y isang pusong tapat; puspusin mo ako ng dunong mong wagas. |
| 7 |
| Ako ay linisin, sala ko'y hugasan at ako'y puputi nang lubus-lubusan. |
| 8 |
| Sa galak at tuwa ako ay puspusin; butong nanghihina'y muling palakasin. |
| 9 |
| Ang kasalanan ko'y iyo nang limutin, lahat kong nagawang masama'y pawiin. |
| 10 |
| Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. |
| 11 |
| Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin. |
| 12 |
| Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat. |
| 13 |
| Kung magkagayon na, aking tuturuang sa iyo lumapit ang makasalanan. |
| 14 |
| Ingatan mo ako, Tagapagligtas ko at aking ihahayag ang pagliligtas mo. |
| 15 |
| Tulungan mo akong makapagsalita, at pupurihin ka sa gitna ng madla. |
| 16 |
| Hindi mo na nais ang mga handog; di ka nalulugod, sa haing sinunog; |
| 17 |
| ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba't pusong mapagtapat. |
| 18 |
| Iyong kahabagan, O Diyos, ang Zion; at ang Jerusalem ay muling ibangon. |
| 19 |
| At kung magkagayon, ang handog na haing dala sa dambana, torong susunugin, malugod na ito'y iyong tatanggapin. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/051.mp3
150
51