×

Magandang Balita Biblia

Awit 52

1
O taong malakas, bakit ka nagyabang sa gawa mong mali? Pag-ibig ng Diyos ang mamamalagi.
2
Balak mo'y wasakin ang iba, ng iyong matalim na dila ng pagsisinungaling.
3
Higit na matindi ang iyong pag-ibig sa gawang masama, higit na nais mo'y kasinungalingan kaysa gawang tama. (Selah)
4
Taong sinungaling ang iba'y gusto mong saktan sa salita.
5
Kaya't wawasaki't aal'sin ka ng Diyos sa loob ng tolda, sa mundo ng buháy aalisin ka niya. (Selah)
6
Ito'y makikita ng mga matuwid, matatakot sila, at ang sasabihing pawang nagtatawa:
7
“Masdan mo ang taong sa Diyos di sumampalataya, sa taglay niyang yaman nanangan at nagpakalakas sa kanyang kasamaan.”
8
Kahoy na olibo sa tabi ng templo, ang aking katulad; nagtiwala ako sa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas.
9
Di ako titigil ng pasasalamat sa iyong ginawa, ang kabutihan mo'y ipahahayag ko, kasama ng madla.
Tagalog Bible 2012
New Testament 2012 Philippine Bible Society Old Testament 2005 Philippine Bible Society
:
I-save ang Mga Tala