Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Ikaw, taong mapagmataas, bakit mo ipinagyayabang ang kasamaan mo? Hindi baʼt ang Dios ay palaging mabuti sa iyo? |
| 2 |
| Sa pagbabalak mo ng masama laban sa iba, kasintalim ng pang-ahit ang iyong dila, at lagi kang nagsisinungaling. |
| 3 |
| Minamahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan, at mas nais mong magsinungaling kaysa magsabi ng katotohanan. |
| 4 |
| Taong sinungaling, ang gusto moʼy makapanakit ng iba sa pamamagitan ng iyong pananalita. |
| 5 |
| Ngunit dudurugin ka ng Dios nang tuluyan. Dadakpin ka at kakaladkarin palabas ng bahay; bubunutin ka mula rito sa mundo ng mga buhay. |
| 6 |
| Makikita ito ng mga matuwid at magtataka sila. Pagtatawanan ka nila at sasabihing, |
| 7 |
| “Tingnan ninyo ang taong hindi nanalig sa Dios bilang matibay nilang kanlungan. Sa halip, nagtiwala lang sa kanyang masaganang kayamanan, at patindi nang patindi ang kanyang kasamaan.” |
| 8 |
| Ngunit ako ay tulad ng punong olibo na yumayabong sa loob ng inyong templo. Nagtitiwala ako sa inyong pag-ibig magpakailanman. |
| 9 |
| Pasasalamatan ko kayo magpakailanman dahil sa mga ginawa ninyo. At sa harapan ng mga matatapat sa inyo, ipapahayag ko ang kabutihan ninyo. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/052.mp3
150
52