Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| O Dios, iligtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan at patunayan nʼyong wala akong kasalanan. |
| 2 |
| Dinggin nʼyo ang aking mga panalangin, |
| 3 |
| dahil sinasalakay ako ng mga dayuhan upang patayin. Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo. |
| 4 |
| Kayo, O Dios ang tumutulong sa akin. Kayo, Panginoon ang aking maaasahan. |
| 5 |
| Ibalik nʼyo sana sa aking mga kaaway ang ginagawa nilang masama. O Dios, sa inyong pagkamatapat, lipulin nʼyo sila. |
| 6 |
| Kusang-loob akong maghahandog sa inyo Panginoon. Pupurihin ko ang pangalan nʼyo dahil napakabuti ninyo. |
| 7 |
| Iniligtas nʼyo ako sa lahat ng kahirapan, at nakita kong natalo ang aking mga kaaway. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/054.mp3
150
54