Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Maawa ka sa akin, Oh Dios: sapagkat sasakmalin ako ng tao: buong araw ay nangbababag siya na pinipighati ako. |
| 2 |
| Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw: sapagkat silay maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin. |
| 3 |
| Sa panahong akoy matakot, aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo. |
| 4 |
| Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita), sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; anong magagawa ng laman sa akin? |
| 5 |
| Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita: lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama. |
| 6 |
| Silay nagpipisan, silay nagsisipagkubli, kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang, gaya ng kanilang pagaabang sa aking kaluluwa. |
| 7 |
| Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama? Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan, Oh Dios. |
| 8 |
| Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala: ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya; wala ba sila sa iyong aklat? |
| 9 |
| Tatalikod nga ang aking mga kaaway sa kaarawan na akoy tumawag: itoy nalalaman ko, sapagkat ang Dios ay kakampi ko. |
| 10 |
| Sa Dios (ay pupuri ako ng salita), sa Panginoon (ay pupuri ako ng salita), |
| 11 |
| Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; anong magagawa ng tao sa akin? |
| 12 |
| Ang iyong mga panata ay sa akin, Oh Dios: akoy magbabayad ng mga handog na pasalamat sa iyo. |
| 13 |
| Sapagkat iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan: hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog? upang akoy makalakad sa harap ng Dios sa liwanag ng buhay. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/psalms/056.mp3
150
56