Ang Biblia 2001
|
| 1 |
| Maawa ka sa akin, O Diyos ko, sapagkat niyuyurakan ako ng mga tao; buong araw na pag-aaway, inaapi niya ako, |
| 2 |
| sa buong araw ay niyuyurakan ako ng mga kaaway, sapagkat marami ang may kapalaluang sa akin ay lumalaban. |
| 3 |
| Kapag natatakot ako, aking inilalagak ang tiwala ko sa iyo. |
| 4 |
| Sa Diyos na pinupuri ko ang salita, sa Diyos ay inilagay ko ang aking tiwala, ang laman sa akin ay ano ang magagawa? |
| 5 |
| Buong araw ay sinisikap nilang saktan ang aking kalagayan; lahat ng kanilang mga pag-iisip ay laban sa aking ikasasama. |
| 6 |
| Sila'y nagsama-sama, sila'y nagsisipagkubli, binabantayan nila ang aking mga hakbang, gaya ng kanilang pag-aabang sa aking buhay. |
| 7 |
| Kaya't gantihan mo sila sa kanilang kasamaan; sa galit ay ilugmok mo, O Diyos, ang mga bayan! |
| 8 |
| Iyong ibinilang ang aking mga paglalakbay, ilagay mo ang aking mga luha sa botelya mo! Wala ba sila sa aklat mo? |
| 9 |
| Kung magkagayo'y tatalikod ang aking mga kaaway sa araw na ako'y tumawag. Ito'y nalalaman ko, sapagkat ang Diyos ay kakampi ko. |
| 10 |
| Sa Diyos, na ang mga salita ay aking pinupuri, sa PANGINOON, na ang mga salita ay aking pinupuri, |
| 11 |
| sa Diyos ay walang takot na nagtitiwala ako. Anong magagawa sa akin ng tao? |
| 12 |
| Ang iyong mga panata ay sa akin, O Diyos, ako'y mag-aalay ng mga handog ng pasasalamat sa iyo. |
| 13 |
| Sapagkat iniligtas mo sa kamatayan ang aking kaluluwa, at sa pagkahulog ang aking mga paa, upang ako'y makalakad sa harapan ng Diyos sa liwanag ng buhay. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2001/psalms/056.mp3
150
56