Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Maawa ka, Panginoon, ako'y iyong kahabagan, lagi akong inuusig, nilulusob ng kaaway; |
| 2 |
| nilulusob nila ako, walang tigil, buong araw, O kay rami nila ngayong sa akin ay lumalaban. |
| 3 |
| Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala. |
| 4 |
| Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos, tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot. |
| 5 |
| Ang lahat ng kaaway ko'y lagi akong ginugulo, ang palaging iniisip ay kanilang saktan ako; |
| 6 |
| Lagi silang sama-sama sa kublihan nilang dako, naghihintay ng sandali upang kitlin ang buhay ko. |
| 7 |
| Sa masama nilang gawa, O Diyos, sila'y parusahan, sa tindi ng iyong galit gapiin mo silang tunay! |
| 8 |
| Ang taglay kong sulirani'y nababatid mo nang lahat, pati mga pagluha ko'y nakasulat sa iyong aklat. |
| 9 |
| Kapag sumapit ang sandaling tumawag ako sa iyo, tiyak na malulupig ang lahat ng kalaban ko; pagkat aking nalalamang, “Ang Diyos ay nasa panig ko.” |
| 10 |
| May tiwala ako sa Diyos, pangako niya'y iingatan, pupurihin ko si Yahweh sa pangakong binitiwan. |
| 11 |
| Lubos akong umaasa't may tiwala ako sa Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot. |
| 12 |
| Ang anumang pangako ko'y dadalhin ko sa iyo, O Diyos, ang alay ng pasalamat ay sa iyo ihahandog. |
| 13 |
| Pagkat ako'y iniligtas sa bingit ng kamatayan, iniligtas mo rin ako sa ganap na kasiraan. Upang ako ay lumakad sa presensya mo, O Diyos, sa landas nitong liwanag na ikaw ang nagdudulot! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/056.mp3
150
56