Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| O Dios, maawa kayo sa akin dahil sinasalakay ako ng aking mga kaaway. Palagi nila akong pinahihirapan. |
| 2 |
| Kinukutya nila ako at laging sinasalakay. Kay dami nilang kumakalaban sa akin, O Kataas-taasang Dios. |
| 3 |
| Kapag akoʼy natatakot, magtitiwala ako sa inyo. |
| 4 |
| O Dios, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako. Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano bang magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala! |
| 5 |
| Binabaluktot lagi ng aking mga kaaway ang mga sinasabi ko. Lagi silang nagpaplano na saktan ako. |
| 6 |
| Nagsasama-sama sila at nagsisipagtago, binabantayan nila ang lahat ng kilos ko at naghihintay ng pagkakataon upang patayin ako. |
| 7 |
| Huwag nʼyo silang hayaang matakasan ang parusa ng kanilang kasamaan. Lipulin nʼyo sila sa inyong matinding galit. |
| 8 |
| Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan at napapansin nʼyo ang aking mga pag-iyak. Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat? |
| 9 |
| Kapag tumawag ako sa inyo, O Dios, magsisitakas ang aking mga kaaway. Alam ko ito dahil ikaw ay aking kakampi. |
| 10 |
| Panginoong Dios, pinupuri ko kayo dahil sa inyong mga salita at pangako. |
| 11 |
| Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano bang magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala! |
| 12 |
| Tutuparin ko, O Dios, ang mga pangako ko sa inyo. Maghahandog ako ng alay ng pasasalamat sa inyo. |
| 13 |
| Dahil iniligtas nʼyo ako sa kamatayan at hindi nʼyo ako pinabayaang madapa. Para mamuhay akong kasama kayo, O Dios, sa inyong liwanag na nagbibigay-buhay. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/056.mp3
150
56