Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| O Dios, maawa kayo sa akin, dahil sa inyo ako nanganganlong. Katulad ng sisiw na sumisilong sa ilalim ng pakpak ng inahing manok, sisilong ako sa inyo hanggang sa wala ng kapahamakan. |
| 2 |
| Tumatawag ako sa inyo, Kataas-taasang Dios, sa inyo na nagsasagawa ng layunin sa aking buhay. |
| 3 |
| Mula sa langit ay magpapadala kayo ng tulong upang akoʼy iligtas. Ilalagay nʼyo sa kahihiyan ang mga kaaway ko. Ipapakita nʼyo ang inyong pag-ibig at katapatan sa akin. |
| 4 |
| Napapaligiran ako ng mga kaaway, parang mga leong handang lumapa ng tao. Ang mga ngipin nilaʼy parang sibat at pana, mga dilaʼy kasintalim ng espada. |
| 5 |
| O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan sa kalangitan at sa buong mundo. |
| 6 |
| Nabagabag ako dahil naglagay ng bitag ang aking mga kaaway. Naghukay rin sila sa aking dadaanan, ngunit sila rin ang nahulog dito. |
| 7 |
| O Dios, lubos akong nagtitiwala sa inyo. Aawit ako ng mga papuri para sa inyo. |
| 8 |
| Gigising ako ng maaga at ihahanda ko ang aking sarili at ang aking instrumentong may mga kwerdas para magpuri sa inyo. |
| 9 |
| Panginoon, pupurihin ko kayo sa gitna ng mga mamamayan. At sa gitna ng mga bansa, ikaw ay aking aawitan. |
| 10 |
| Dahil ang pag-ibig nʼyo at katapatan ay hindi mapantayan at lampas pa sa kalangitan. |
| 11 |
| O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan sa buong kalangitan at sa buong mundo. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/057.mp3
150
57