Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Tama ba ang hatol ng mga pinuno? Ang hatol ba ninyo'y pantay at totoo? |
| 2 |
| Hindi! Pagkat ang inyong binabalangkas pawang karahasa't gawaing di tama. |
| 3 |
| Iyang masasama sa mula't mula pa, mula sa pagsilang ay sinungaling na. |
| 4 |
| Sila'y makamandag, ahas ang kaparis, katulad ay kobrang ang tainga ay may takip; |
| 5 |
| itong mga tawak at salamangkero, di niya dinirinig, hindi pansin ito. |
| 6 |
| Bungiin ang ngipin nila, O Panginoon, alisin ang pangil niyong mga leon. |
| 7 |
| Itapon mo silang katulad ng tubig, sa daa'y duruging parang mga yagit. |
| 8 |
| Parang mga susô, sa dumi magwakas, batang di nabuhay sa sangmaliwanag. |
| 9 |
| Puputulin silang hindi nila batid, itatapon ng Diyos sa tindi ng galit; bagaman buháy pa'y iyon na ang sinapit. |
| 10 |
| Ang mga matuwid nama'y magagalak kung ang masasama'y parusahang ganap; pagkakita nila sa dugong dumanak, hindi mangingiming doon na tumahak. |
| 11 |
| Saka sasabihin ng mga nilalang, “Ang mga matuwid ay gantimpalaan; tunay ngang may Diyos, na hukom ng lahat!” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/psalms/058.mp3
150
58