Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Kayong mga pinuno, matuwid ba ang paghatol ninyo sa mga tao? |
| 2 |
| Hindi! Dahil paggawa ng masama ang laging iniisip ninyo at namiminsala kayo sa iba saanman kayo naroroon. |
| 3 |
| Ang masasama ay lumalayo sa Dios at mula nang isilang ay nagsisinungaling na. |
| 4 |
| Para silang mga ahas na makamandag. Parang kobrang hindi nakikinig sa tinig ng mahuhusay na tagapagpaamo niya. |
| 5 |
| 6 |
| O Panginoong Dios, sirain nʼyo ang kanilang kakayahan sa pamiminsala na parang binabali nʼyo ang kanilang mga ngipin na parang pangil ng mga leon! |
| 7 |
| Mawala sana silang tulad ng tubig na natutuyo at gawin mo ring walang silbi ang kanilang mga armas. |
| 8 |
| Maging tulad sana sila ng kuhol na parang natutunaw habang gumagapang, o ng sanggol na patay nang ipinanganak, na hindi pa nakakita ng liwanag. |
| 9 |
| Mabilis silang tatangayin ng Dios, maging ang mga nabubuhay pa, mabilis pa sa pag-init ng palayok na inaapuyan ng malakas. |
| 10 |
| Magagalak ang mga matuwid kapag nakita na nilang pinaghigantihan ng Dios ang masasama, at dumanak na ang kanilang dugo. |
| 11 |
| At sasabihin ng mga tao, “Tunay ngang may gantimpala ang matutuwid at mayroong Dios na humahatol sa mga tao sa mundo.” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/psalms/058.mp3
150
58