×

Magandang Balita Biblia

Awit 6

1
O Yahweh, huwag mo akong sumbatan nang dahil lamang sa galit, o kaya'y parusahan kapag ika'y nag-iinit.
2
Ubos na ang lakas ko, ako'y iyong kahabagan, pagalingin mo ako, mga buto ko'y nangangatal.
3
Ang aking kaluluwa'y lubha nang nahihirapan, O Yahweh, ito kaya'y hanggang kailan magtatagal?
4
Magbalik ka, O Yahweh, at buhay ko'y iligtas, hanguin mo ako ng pag-ibig mong wagas.
5
Kapag ako ay namatay, di na kita maaalala, sa daigdig ng mga patay, sinong sa iyo'y sasamba?
6
Pinanghihina ako nitong aking karamdaman; gabi-gabi'y basa sa luha itong aking higaan, binabaha na sa kaiiyak itong aking tulugan.
7
Mata ko'y namamaga dahil sa aking pagluha, halos di na makakita, mga kaaway ko ang may gawa.
8
Kayong masasama, ako'y inyong layuan, pagkat dininig ni Yahweh ang aking karaingan.
9
Dinirinig ni Yahweh ang aking pagdaing, at sasagutin niya ang aking panalangin.
10
Ang mga kaaway ko'y daranas ng matinding takot at kahihiyan; sila'y aatras at sa biglang pagkalito'y magtatakbuhan.
Tagalog Bible 2012
New Testament 2012 Philippine Bible Society Old Testament 2005 Philippine Bible Society
:
I-save ang Mga Tala